Our Daily Bread

Greetings!

Hello you! Yes, you! :) You're here on my page and yes, you will know me... maybe just a glimpse of me but since you're here, you can already see a part of who I am. I welcome you to my blogging world and I'm happy to have you here!

Thanks for dropping by!

Love to all!

Sunday, October 31, 2010

Anim-napu: Tag-lish Mode

Ito ang ika-anim-napu kong 'blog' dito sa 'site' na 'to para sa taong ito, at napagdisisyunan kong magtagalog sa hindi malamang rason (ang hirap pala talaga kung dapat Tagalog lahat!). Well, maguupdate lang ako ng konti.. Ewan kung konti lang ba talaga but I think ile-let ko nalang mag-flow ang mga sasabihin ko ayon sa sasabihin ng puso't isip ko.

Hmmm.. Mahabang weekend ako from work and masarap sa pakiramdam malaman na may mahabang pahinga ako :) o pahinga nga ba? Marami pa din kasing dapat asikasuhin eh. But anyways, ganun talaga. Masaya padin ako dahil long weekend :) Thank You naman sa Kanya :) Unang Undas ko nga din pala dito sa Aussie and well, nakakapanibagong hindi makadalaw sa puntod ng mga mahal namin sa buhay na sumakabilang buhay na kasama Sya :) na-miss ko yung pagluto ng 'biko' at pansit sa bahay.. Hmmm.. Na-miss ko yung pagtayo ng tent sa simenteryo :) na-miss ko mga pinsan kong makukulit! Na-miss ko ang dami at gulo ng mga tao, pati ang lupit ng traffic! Waaaa! In short, na-miss ko ang sa amin, bahay namin, ang Davao, at higit sa lahat ang mga mahal ko sa buhay. Ito na yata yung moment na magdadrama na ko ang malamang dito ko mapapalabas ang kadramahan kong ito about sa pagka-miss sa amin. Haiz. Lord, magihintay ako sa perfect time Mo kung kelan nga ba kami makakauwi ulit para makasama mga loved ones namin..

Lately, ayos naman ako.. Masasabi kong I'm doing good and I'm better.. Not bitter, but BETTER than before.. About the adjustments, the proocessing of my registration here, sa trabaho, sa IELTS exam.. At higit sa lahat.. Ang kundisyon ng puso ko. Kung titingnan at tatanungin ko ang puso ko ngayon, sasabihin nyang masaya sya at mejo ok na.. Syempre dahil yun kay Lord :) si Lord lang talaga ang dahilan at nagbigay ng dahilan para muling mabuhay ang puso ko.. And Sya lang ang rason kung bakit tumitibok at buhay pa ito. :) grabe, ang galing ni Lord talaga! Kung close kami noon, mas close na kami ngayon.. As in super close!

Haaaay. Kahit nahihirapan talaga ako most of the time, alam ko naman na kasama ko Sya at 'di Nya ako iiwan kahit ano pa ang mangyare.. Madalas iiyak nalang ako (what's new nga naman?) pero 'di na katulad ng dati na matatagalan ang pagiyak ko.. :) meaning madali na akong maging ok dahil sa Kanya. Hay! Ang swerte ko! Mahal na mahal Nya ko, and mahal na mahal ko din naman Sya..

Well, siguro din panahon na para ma-share ko dito na may espesyal na tao sa buhay ko ngayon. Pinagdadasal ko Sya lagi and alam kong ganun din naman sya sa 'kin. Kaso, hindi ako umaasa kasi sa Kanya nalang talaga ako magtitiwala ngayon.. At masasabi ko ding takot na takot padin talaga ako. :( mahlaga itong taong ito sa akin, masaya kaming nakilala namin ang isa't isa.. Pero mahirap padin talaga, kaya ang Panginoon padin talaga ang dapat kapitan at pagkatiwalaan sa lahat dahil Sya naman talaga dapat ang nasusunod and ang lahat ng kagustuhan Nya ay tama.

Hanggang dito nlng muna siguro :) masyado atang napahaba ito eh..

Happy Halloween sa lahat!

No comments:

Post a Comment