Our Daily Bread

Greetings!

Hello you! Yes, you! :) You're here on my page and yes, you will know me... maybe just a glimpse of me but since you're here, you can already see a part of who I am. I welcome you to my blogging world and I'm happy to have you here!

Thanks for dropping by!

Love to all!

Friday, January 21, 2011

Nuwebe

Anong buwan na nga ba? Enero na nga pala.. Bagong taon (2011). Unang blog ko dito sa blog site ko. Ang tagal ko ng gustong mag-blog dito. Di ko lang alam kung ano dapat isulat o sabihin sa sobrang dami. Ang hirap.. Mahirap ipunin lahat at ilagay sa isang blog lang lahat-lahat ng naramdaman at nararamdaman ko. Ang dami ng nangyari mula nung huli akong nag-blog dito.. Sobrang daming emosyon, maraming masasayang sandali, at sobrang dami ding pagluha. Oo nga naman, parte yun ng lahat ng kylangan kong pagdaanan. Nahirapan ako.. Sobrang hirap. Pero sobrang ganda din dahil sobrang buti ng May Likha Sa Akin. Sobrang mahal Nya ko kaya eto parin ako't nagbo-blog ngayon. (sobrang tagalog ko lang ngayon haha)

Pero, walang halong biro, nakaya ko lahat! At makakaya ko pa.

At bakit nga ba naging 'Nuwebe'? Aba, eh.. Subukan nating magbilang pabalik. Bilangin natin ang buwan pabalik.. Ano nga bang mga nangyare nun? Teka lang.. Ayos na ba 'kong magkwento tungkol dito? Preno muna.. Iisipin ko. Pakikiramdaman ko sarili ko...

(hingang malalim)

Eto na.. Ok naman. Mejo ready akong magkwento ng konte..

Abril nung nakaraang taon. Buwan ng sobrang paghihirap ng damdamin. Bakit? Aba, eh.. Na biyak lang naman ang puso ko.. Ulit. Pambihira nga naman. Paulit-ulit na nga talaga. Naiisip ko parin yung mga nangyare. Grabe lang. Na-i-imagine ko sa isip ko ngayon kung gano kahirap yun! Pero bumubuti na ko ngayon. Kasi naaalala ko man yun, pero 'di na kasing sakit gaya ng dati. Oo, aamiin ko.. Masakit parin. Pero 'di na ganun katindi gaya ng dati. Kapagka ang puso nga naman ang nabiyak at nadurog.. Naku! Malaking problema! Pero problema nga ba? Malamang oo, dahil dala-dala ko parin ngayon ang memorya ng lahat ng nangyare. Siguro kung ikwe-kwento ko lahat eh hahaba talaga 'to.. Na as in, mahaba. Pero, hindi nga, masaya ako dahil nakaya ko yun. Masayang malaman na kaya mo palang mawala sa 'yo yung akala mo dati hindi mo kayang mawala sa'yo, at oo, proud ako sa sarili ko! At alam ko yung Nasa Taas, proud na proud din sa 'kin syempre. Alam ko kasi Sya yung kasangga ko nun eh. Sa sobrang pagmamahal Nya sa 'kin.. Eh kinaylangan Nya 'kong batukan na sobrang lakas para mata-uhan daw ako! Naku! Kung mambatok nga naman Sya oh.. Delikado. Pero naman.. Eto ako ngayon. Nakatayo na ulit at mas matindi pa ang kapit sa Kanya. Oh db? Bonggang-bongga lang?

Ang Panginoon, alam kung kelan dapat ibigay sa'yo ang mga bagay na sobrang hirap na pakiramdam mo 'di mo kakayanin sa sobrang hirap at sakit, pero alam na alam Nyang ito yung magiging hakbang para maging matatag ka't kumapit pa ng husto sa Kanya. At eto na.. Nakangiti ako ngayon. :) Salamat sa Kanya.

So, ano na nga? Tatlong buwan nalang isang taon na. Anong pakiramdam kaya ang babalik sa akin? O ano kayang mararamdaman ko pagdating nun? Alamin nalang natin. Nasa dalawang bagay lang yan eh -- kung masayang-masaya ako o iiyak lang buong araw/gabi. Pero malamang din, yung dalawa diba? Hmmm. Na-curious tuloy ako. Pero kahit ano pamang emosyon o pakiramdam meron ako pagdating nun.. Isa lang ang alam ko at sigurado ako -- kasama ko parin Sya at nakahawak parin ako sa Kanya. Yun ang pinakamagandang bagay na ilu-look forward ko.

So pa'no? Mag-e-mote muna 'ko ng konte. Konte lang naman eh.. And sa Kanya parin ako mag-e-emote syempre.

Babalikan ko nalang mga nasabi't sinulat ko dito pagdating ng araw na yun na nag-isang taon na.

2 comments:

  1. i'm proud of you On-g! God be with you always. :)

    ReplyDelete
  2. Salamat naman Jayz! Ang Panginoon ay walang katulad! :)

    ReplyDelete