Our Daily Bread

Greetings!

Hello you! Yes, you! :) You're here on my page and yes, you will know me... maybe just a glimpse of me but since you're here, you can already see a part of who I am. I welcome you to my blogging world and I'm happy to have you here!

Thanks for dropping by!

Love to all!

Sunday, February 6, 2011

‎(7) Pitong Maling Dahilan ng Pagpapakasal

‎1) SENIOR PANIC: lahat ng kaibigan, kaklase nagpakasal na ikaw na lang hindi..napilitang naghanap, kaya kahit sino na lang.

‎2) OLD MAID SYNDROME: lagi ka na lang kasama sa kasalan bilang "bridesmaid"..tumatanda ka na...kaya napilitang mag asawa na lang sa huling byahe. (or groom's men/maid of honor)

‎3) THE GREAT ESCAPE: Malungot bahay nyo laging may away, naghanap ka ngayon ng makakasama para maiba naman ang takbo ng buhay. Yung nakita mo ganun din pala ang sitwasyon, problemado rin sa bahay. kaya ang nangyari mas malaking problema-- ang dalawang problemado gumawa ng bagong pamilya na ganun din ang magiging problema.

‎4) ON THE REBOUND: Ahh, nag break kayo ng BF mo at biglang nag asawa, yung bestfriend mo pala ang secret relationship. Inisip mo kailangang gumanti, kaya yung Ex BF ng bestfriend mo hinila mo agad para pakasalan. Eka nga..gantihan lang yan.

‎5) PRESSURE PLAY: Naku si nanay gusto ang mapangasawa si Kapitbahay na mayaman eh ang pangit..pinakasalan mo na lang..Naging malungkot buhay mo kasi pera ang dahilan ng inyong pagsasama. (o kahit sinong pinapares ng magulang nyo sa inyo)

6) MEET MY NEEDS: Mahilig ka sa Gadgets at syempre nangarap ka ng magarbong buhay, ang problema ayaw mo namang magsumikap. Naisip mo maghanap na lang ng mayaman o foreigner para mabigay ang luho mo. Nakakalungkot kasi along the way marami ang mag aalok sa yo ng magandang buhay sa materyalismong pamumuhay, malaki ang possibility sasama ka rin sa kanya. Masama yan dahil ang pera nakaka uhaw, hindi maiibsan ang ano mang pangangailangan ng pera, merong higit na mainam sa pera..alam mo na kung sino..hmmm..Si Jesus..siya ang tubig na nagbibigay buhay.

7) CRISIS PREGNANCY: Naku nabuntis ka, nagalit ang magulang mo kaya kailangang pakasalan ka nang lalaki. Mali, di dapat nag dedesisyon nang ganun kabilis. baka ang isang pagkakamali madagdagan ng isa pang pagkakamali. Ang mahalaga pag aralan, pag isipan at humingi ng magandang payo sa mga higit na nakakaunawa sa ganitong bagay. Wag agad magpapakasal, ngunit wag din titira o mamamahay sa bahay ng lalaki kung hindi kasal dahil ito ay malaking kasalanan. Wag magsasama ang sino mang hindi ikinakasal. Kung may ganitong sitwasyon, ipaalam sa magulang , sa pastor at sa malalapit na kaibigan. Wag ipalalaglag ang bata, wala silang kinalaman sa problema. Ihanda ang sarili sa ano mang consequences ng pagkakamali at maging matibay sa ganitong panahon. 

--Ang bawat puntos ay hango sa aklat ni Josh Mc Dowell..ang paliwanag ay kay Pastor Dodie..Pagpalain kayo ng Panginoon.

~ Naisipan ko lang i-share ito. Nabasa ko ang mga ito sa status message ni Kuya/Pastor Dodie sa Social network na Facebook. Ate oo, nakuha nito ang atensyon ko sa pamagat palang. Si Kuya Dodie nga pala ay service driver namin noon, nung nasa Malolos, Bulacan pa kami. Mahal na mahal at alagang alaga kami nyan noon at pinalad na natagpuan nya ako sa Facebook dahil sa loob ng mahigit 15 years, hindi na kami nagkita o nagkausap man lang, at eto, nahagilap nya ako sa Facebook at nalaman kong Pastor na pala sya ngayon. Kay buti ng Panginoon! :)

Tungkol sa Pitong Rason na 'yan, maaaring marami pa nga tayong maibibigay na rason/dahilan ng maling pagpapakasal. Sa panahon ngayon, marami ngang nagpapakasal at maghihiwalay lang din, dahil mula nga sa simula nito ay mali na. Para sa akin, ang pagpapakasal ay sagrado at isang sobrang laking bagay na kailangan talagang pag-isipan ng lilyong beses bago pasukin. Kaya para sa akin, hindi dapat minamadali ito at kailangan talagang masimulan sa taman paraan.

No comments:

Post a Comment